Wednesday, November 25, 2009

Hinahon

Hindi ba't tumungo na't natunton ang
Bahagharing nagpasilip ng bukas
Bakit nananatiling wagas ang dampi
Ng pangako sa pisngi

Tumahan na't nanaig
Ang liwanag sa dilim
Ngunit hindi pa rin nalilimutan
Ang namasdan ng pikit na mga mata

Umuwi na't nanahan sa lilim
Ng karangyaan ng dalisay
Na kalungkutang
Tanging hinahon ang pangarap.

No comments: